Paglalakbay
Ang Talambuhay ni Criselda Malabanan, 4science
Pagdilat ng araw, gigising ang prinsesa, kakain ng umagahan, maliligo, magbibihis, sasakay ng dyip, bababa sa overpass, aakyat dito at pupunta na nang Dizon High- iyan ang kasalukuyang buhay ko ngayon.
ako, noong 2 months old. |
Mayo 18, 1995 nang isilang ang napakagandang babae sa balat ng lupa na si Criselda Alcantara Malabanan o mas kilala satawag na “mhokay”. Malaking biyaya ito mula sa Panginoon para sa kanyang mga magulang na sina Crisanto at Yessa Malabanan. Laking tuwa ng kanyang mga kapatid na sina Clariza at Christian dahil magkakaroon na sila ng panibagong anghel at AKO iyon.
Maraming masasayang alaala ang namumutawi hanggang sa ngayon sa aking isipan noong bata pa ako. Lahat siguro ng bata ay iyakin pero ako na yata ang pinakaiyakin sapagkat konting asar lang sa akin ay naiyak na agad ako. “Otiot” ang pangloko nila sa akin, hindi ko alam kung bakit , siguro ay dahil nga sa ako ay iyakin. Tuwing tanghali, pinapatulog ako para daw lumaki, pero paggising ko, lagi akong naiyak, hindi ko alam kung bakit pero iyn ang nakasanayan ko. Ang panakot nila para tumigil ako sa pag-iyak ay isisilid sa sako. Iyakin talaga ako noong bata kaya hilig nila akong asarin. Nakakatuwang isipin ngunit takot ako sa “camera” noong bata pa ako, ewan ko kung bakit pero hindi talaga ako nagpapakuha ng litrato. Pinipilit nila ako pero takot talaga ako.
Bagong gising ako niyan, nakatulog ako sa graduation ng aking kapatid. |
Tuwing Pasko ay lagi akong masaya dahil marami akong pera. Ang daming nagbibigay sa akin ng mga regalo, paligsahan nga kaming magkakapatid sa paramihan ng matatanggap na aginaldo. Naniniwala din ako noon kay Santa Claus. Tuwing Bagong taon naman ay lagi akong busog dahil marami kaming handa. Sinasabi ko na hindi ako tutulog pero nakakatulog pa rin ako at ginigising na lang ako ng aking ina pag malapit ng magbagong taon.
1st honor ako at hawak ko ang aking trophy. |
Limang taon gulang ako nang ipinasok ako ng aking ina sa Day Care sa tapat lang ng bahay naming. Sabik na sabik akong pumasok pero pagpasok ko ay lumabas na agad ako dahil sa nahihiya ako. Wala akong nagawa noon kung hindi umiyak. Anim na taon ako nang pumasok sa Kinder. Tanda ko pa noon ay lagi akong nauunang matapos sa pinagagawa ng aking guro, kaya naman lagi akong masaya. Sa sipag at tiyaga ko sa pag-aaral, nakakatuwang isipin pero 1st honor ako noong Kinder.
Sa pagtungtong ko ng elementarya, hindi nagging madali para sa akin sapagkat iyakin pa rin ako. Sa pagpasok ko ng Grade 1 ay inihahatid ako ng aking ina hanggang sa room, pero kapag umalis na siya hahabulin ko siya na may kasamang pagiyak. Nagkaroon nga ng oras na nagkunwari akong masakit ang aking tiyan para lang hindi makapasok. Hindi naging hadlang sa aking pagaaral ang pagiging iyakin ko dahil 1st honor ulit ako noong Grade 1.
Sa pagpapatuloy ng aking pagaaral, marami akong naging karanasan. Nalaban ako sa ma contests sa iba ibang skul, minsan talo pero minsan naman ay panalo. Nakakatuwang isipin pero lagi akong 1st honor pero noong Grade 5 ay 2nd honor lang ako. Sinabi ko sa aking sarili na babawi ako at babalik ako sa aking trono. Nagaral ako ng mabuti at pagkatapos ng aking paghihirap at pagtitiyaga ay 1st honor ulit ako noong Grade 6. Laking tuwa ko noon para sa aking sarili. Masaya ako sapagkat naging makabuluhan at masaya ang aking buhay elementarya.
Hmmmm … oh hayskul life…oh hayskul life ……
Excited na akong malaman at maramdaman ang buhay sa sinasabi nilang “pinakamasayang hakbang sa pagaaral- ang High School .
Sa pagpasok ko ng hayskul ay napili kong mag-aral sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School at kabilang ako sa “science” section. Si Ma’am Shirley ang adviser ko. Unang pasukan ay wala pa akong masyadong kakilala. Hindi pa rin ako masyadong naimik at nakikipagusap sa iba sa dahilan na nahihiya pa ako. Buti na nga lang at hindi na iyakin.
Mahirap palang maging “science”, kasi nga naman araw-araw may assignments, tests, quizzes, projects at marami pang iba. Whooooo kakasawa na! Nalaman ko rin na maaring magtanggal sa aming section kung mababa ang mga grades, kaya naman nag-aaral akong mabuti. Marami akong masasyang karanasan at isa na dito ang paglaban namin sa mga contests at buti na lang ay nananalo kami. Isa sa lubos na ikinasaya ng aming klase ay sa unang pagkakataon nanalo ang science section sa Ibong Adarna. Laking tuwa namin sapagkat napatunayan namin na kaya naming magwagi sa isang laban na matagal nang inaasam ng science section- ang maging 1st sa Ibong Adarna.
Nagpatuloy ang mga araw at malapit nang matapos ang mga araw naming bilang 1st year. Lahat kami ay nalulungkot dahil matatapos na ang unang taon naming bilang hayskul. Lahat din ay kinakabahan dahil baka may matanggal sa amin. Nawala ang lahat ng kabang ito nang malaman naming na lahat kami ay magiging II- Science.
“Ma’am S.P- iyan ang tawag naming sa aming adviset nang ako ay 2nd year. Naaalala ko pa noon na hindi ko siya naiintindihan kapag nagsasalita dahil napakahina ng kanyang boses pero sa pagtagal ay nakasanayan ko na din. Sa kanyang klase nabuo ang lavender, blue, sky blue,red, black at fuchsia pink kung saan ako nabibilang. Nakakaasar man isipin pero laging kulelat ang aking grupo kapag nagpapacontest si Ma’am S.P. Hindi naming alam kung bakit pero lagi naman kaming nagaaral. Minsan ay nag dissect kami ng palaka at laking tuwa naming sa aming sarili dahil ang grupo naming ang unang natapos t proud na proud kami dahil hindi na kami naging kulelat.
Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay bilang 2nd year hayskul ay marami rin akong naging karanasan. Nanalo kami sa mga contests at isa na dito ang Florante at Laura. Sa pagdaan ng panahon ay natapos at iniwan na naming ang pangalawang taon bilang hayskul.
Oh ? ….. silipin naman natin ang buhay 3rd year ko.
Unang pasukan ay nagulat ako dahil sa marami na ang subjects na ang pagaaralan ko, pero hindi ko ito lubos inisip at sineryoso dahil alam ko naman na makakayanan ko ito.
October 6, 2009 nang mabuo ang “Dhark Witchez” at iyan ang barkada ko. Sila ang mga tunay kong kaibigan at laging nandiyan kapag may problema ako. Napakasaya ko dahil kabilang ako sa grupong ito. Isa din sila sa matatalik kong kaibigan.
Isa sa naging masayang pangyayari sa buhay ko nang makilala ko ang aking “prince andie” at “prince kyle”. Naging inspirasyon ko sila pero nalungkot din ako sapagkat gagraduate na sila.
Masaya at lalong tumibay ang samahan ng aming klase, ngunit hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Nagkaroon ng napakaraming away sa aming klase. Isa na dito ang away ng Dhark Witchezsa isang grupo din ng barkada sa aming klase. Marahil ay hindi namin maunawaan ang isa’t isa kaya humantong sa away ang lahat ng ito. Maraming masasayang alaala ang namumutawi hanggang ngayon sa aking isipan nang ako ay third year at gusto ko itong balikan.
Sa pagtakbo ng oras ay natapos na ang aking buhay bilang III-Science. Nakakalungkot man isipin pero walo sa aming klase ang natanggal. Masakit mangisipin ngunit kailangang tanggapin.
Whoooo … senior na ako at ito ang buhay ko sa kasalukuyan.
Sa pagtungtong ko ng 4th year ay dalawang emosyon ang naramdaman ko, ang lungkot at saya. Saya dahil matatapos na ako ng pagaaral sa sekondarya at lungkot dahil lilisanin na naming ang sinasabing pinakamasayang hakbang sa pagaaral.
Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng matino at matagalang “BEST FRIEND”. Sa pagpapayuloy ng aking paglalakbay ay nakilala ko si “Lex Angeline Glorioso Gutierrez”, ang best friend ng buong buhay ko. Napakasaya ko dahil nakilala ko ang isang tulad niya. Isang kaibigan na laging nariyan kapag kailangan ko at umiintindi sa mga pagkakamali ko. Minsan ay nagaaway rin kami at nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, pero kahit ganoon man ay nagkakaayos pa rin kami. Nagkaroon ng isang pangyayari na muntik nang mawala ang bhext ko sa buhay ko. Hindi ko hinayaang mangyari iyn dahil hindi ko makakaya kapag nawala ang best friend ko. Nakakapanghinayang dahil ngayon ko lang siya nakilala dapat ay noon pa. pangako ko sa kanya na hinding hindi ko siya iiwan at ipagpapalit kahit kanino dahil siya lang ang natatanging BEST FRIEND ko.
4- Scyber Phoenix- iyan ang pamilya ko ngayon. Nabuo ang pangalang iyan nang magkaroon ng “Mini Olympics” ang 4th year. Kami ang mga ube at talong dahil kulay violet ang gaming t-shirt. 3rd kami sa cheer dance at masaya na kami para dito.Masaya rin ang mga laro, yun nga lang hindi masyadong tapat sa laro ang ibang section. Nagkaroon nga ng oras na nagalit sa amin ang ibang section, ewan ko ba kung bakit eh wala naman kaming ginagawang masama sa kanila.
“Science section”, iyan ang hinahangaan ng mga estudyante sa Dizon High. Unang napasok sa mga isip nila ay matatalino at hindi sila bagay makisama sa mga ito. Ngayong seniors na kami , marami ang ayaw sa amin dahil sa maraming dahilan. Hindi raw sila bagay makisama sa amin dahil matatalino kami, oo nga’t matalino kami pero hindi naman ito hadlang para maging kaibigan kami. Ang iba naman ay nagagalit dahil lagi na lang kaming panalo sa mga contests, sinasabi nila na malakas daw ang kapit namin pero hindi naman iyon totoo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin maintindihan kung bakit ayaw nila sa amin at sa likod ng mga sinasabi nilang masasama ay mayroon kaming hinanakit at saloobin na gustong sabihin sa kanila.
Ngayon ay sinusulit ko na ang bawat sandali na magkakasama kami. Mahal na mahal ko ang 4-Science at isa sila sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Minsan ay nagdadramahan kami dahil malapit na ang panahon na magkakahiwalay kami.
Maraming pagbabago ang nangyari sa akin ngayong hayskul. Hindi na ako iyakin sa halip ay naging matapang na ako. Kungdati ay takot ako sa camera, ngayon ay hindi na. sa bawat cell phone ng aking mga kaklase ay makikita lagi ang mukha ko. Mahilig kasi ako ngayon magpicture, naadik ako, kasi naman ang ganda ko, hehehehe!
Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay ay nalalapit na ang araw at gagraduate na kami. Ang lungkot na naming sa mga panahong ito. Hindi ko malilimutan ang masasayang nangyari sa hayskul life ko. Sulitin na ang dapat sulitin. Ohh? Paano ba iyan hanggang ditto na lang …… hanggang sa muli ng aking paglalakbay ..