Saturday, February 12, 2011

"All for One"



 
“Hoy! pakopya nga ng assignment”, “anong sagot sa 5?”, “hindi pa ako tapos sa project”, “may test ba mamaya sa physics?”, “patay! yari ! wala pa nga pala tayong assignment sa trigo” – iyan ang karaniwang naririnig tuwing lunes sa section na puno ng saya at kadramahan.

           
“Excuse me po, pila na po sa labas flag ceremony na”. Wala pa ring lumalabas, “flag ceremony na po!”, ilang ulit itong sabihin bago lumabas sa classroom ang section na kalimitang tinatawag na “ALL FOR ONE”- lahat para sa isa. “Classmates awarding daw ngayon ng honor? ”, “weh? sino naman ang may sabi?sabat ng pinakamaingay sa lahat, si Fatima. “Huwag po tayong maingay nagdarasal na”, sabi ng president ng klase. “Anong nagdarasal na?, tingnan mo nga daldalan pa rin ng daldalan iyong ibang section oh! harutan ng harutan, hay naku!”, sagot naman ng feeling banal ngunit may buntot at palaging epal na si Karen. “Magtigil na nga kayo! Hindi na kayo nasanay, lagi namang tuwing FC ganyan ang sitwasyon”, “anung FC?feeling close?”, “boblaks! Flag ceremony”hahahahaha! at nagtawanan ang lahat.
           

“Oi tingnan niyo yung mga kaklase nating babae walang sawa sa pagiikot ng oval ay!”,“anu namang pakialam mo, eh gusto nila iyan, tsaka exercise iyon try mo kaya para pumayat ka! Hahahaha!”, “ikaw na lang!”

           
Habang nagiikot sila ng oval, napagkwentuhan nila kung ano ang magiging buhay nila pagkatapos ng hayskul-ang colloge. “ako sa ibang lugar na papasok, malalayo ako sa inyo kakalungkot nga eh”, “ako dito lang din no choice eh”, “ako bahala na, hindi pa rin naman ako sigurado kung papasok ako ng kolehiyo”, “huwag kayong mag-alala, kahit magkakalayo na tayo sa isa’t isa na hindi man tayo masyadong magkikita lagi na lamang nating tandaan na mahal na mahal natin ang bawat isa at nasa mga puso natin ang samahan ng all for one”, nagulat ang lahat dahil ngayon lang nagging seryoso si Fatima ngayon lang nila narinig iyon mula sa mga labi niya. “Tama na nga ang drama, tara na sa room”, anyaya ng Ms. President.(may SONA pa iyan mamaya … hahahahaha !!!)

......................

“Tara sa grandstand”, paanyaya ni Abi “bakit?”tugon naman ni Angelica, “bili tayo ng kwek-kwek”, “ahh sige tara gutom na nga ako eh”, “mga katakawan niyo talaga, umaariba hahahaha!”, umepal na naman si Karen, “pasama nga hahaha!”, “ikaw naman pala eh, magtatakaw din” at nagtawanan ang tatlo.



Ang Dizon High kung saan nagaaral ang ALL FOR ONE.
Makikita dito ang Grandstand, MAPEH building at ang gusto ng lahat
ang Oval.



Sa klase ng pisika….

“Diffraction is any bending of light by means of reflection and refraction. It is bending of light that passes around the obstacle or through a narrow split causing the light to spread and produce light and dark fringes. Diffraction also occur/seen with all shadow proving that light travels on a straight path.
“Ano ba iyan wala naman akong maintindihan eh”, reklamo ni Fatima “hayaan mo na para iyan sa ikauunlad ng bansang Pilipinas”, ang tugon ng pambansang epal na si Karen at nagtawanan ang silang dalawa. “Fatima and Karen get out of my class now!”, galit n autos ng kanilang teacher. “Naku yari na naman tayo, kasi naman tumawa pa tayo hahaha”, pabulong na sambit ni Fatima. “Ibili niyo ako ng pagkain, please mga love im so hungry na eh”, ang tugon ni teacher Physics at nagtawanan na naman ang lahat.

“Tara muna sa banyo maiihi ako eh”, ang sabi ni Fatima.
 Sa banyo …..
“Anu ba naman iyan, ang baho eh mga hindi nagbubuhos mga babae pa naman”, reklamo ni Karen. “Anla hindi na lang muna ako iihi, hindi ko kaya ang amoy tara na bili na natin si teacher Physics”.

…………..

“Classmates tara sa may torch”, sabi ni Ej. “Oh? ano naman ang gagawin natin dun?”, ang epal na naman ni Karen. “Wala lang, bonding tayong lahat, picture picture tayo, mga isang araw kasi paggising natin sa umaga magkakahiwalay na tayo, magiiba na ang mga buhay natin at syempre iba na an gating magiging kaklase”,at nalungkot ang lahat. “Tama na nga ang drama, tara na handa na ang ngiti ko para sa picture picture, hahaha …  at napatawa naman ni Fatima ang kanyang mga kaklase sa sandali ng kanilang kalungkutan.

Masaya, magulo at nagkakaisa ang seksyong “all for one”, ngunit marami ang ayaw sa kanila, maraming nagsasabi na marumi raw at kailangang pang mag alcohol kapag nakausap ang isa man sa mga ito. Matatalino daw kasi ang “all for one” at hindi sila bagay na makisama sa ibang seksyon, ngunit pare-pareho lang naman silang estudyante sa Dizon High ang kaibahan nga lamang ay hindi pantay-pantay ang kanilang talino. Nagkakaroon ng oras na nagpaparinig o nagsasabi ng masasamang salita ang ibang estudyante sa all for one, ngunit hindi nila ito pinapansin dahil ayaw nila ng gulo. Ang mahalaga sa “all for one” ay sama-sama sila at laging masaya.
“Ilang buwan na lang pala graduation na natin”, “oo nga ang bilis ng araw, parang kelan lang 1st year high school pa lang tayo”, “mamimis ko kayong lahat, hinding hindi ko kayo makakalimutan”, nagdramahan na naman ang magkakaklase sa may koridor. Sinusulit na nila ang bawat sandali na sila ay magkakasama.

Sa klase ng Chemistry ……. Sa labaratoryo ……..

“Okay , bawasan ang puntos sa mga hindi nakapuyod , walang lab gown, hindi naka rubber shoes at walang gloves”, ang utos ni Mr. Chemistry. “Sir hindi niyo naman po sinabi na may experiment tayo eh”, “ahh wala ba?okay mayroon pa akong 50 minutes sa inyo, bukas na lang natin ipagpatuloy”, tugon ni Mr.Chemistry, “goodbye, thank you and we love you so much Mr. Chemistry”, at nagbunyi na naman ang buong klase dahil vacant na naman sila.

“Clara pwede ka bang makausap?” tanong ng pinakagwapo sa lahat na si Jay-R. “Oo naman ano ba ang paguusapan natin?”, “basta, tara sa ground upo tayo dun, hindi naman masyadong mainit eh” ang tugon ni Jay-R. “Mahal mo ba ako?”, “oo naman mahal na mahal kita pero bata pa tayo eh”, “pero Clara sobrang mahal kita at gusto kong makasama ka habang buhay”, “Jay-R, mahaba pa ang panahon, makapaghihintay ang pagibig at kung tayo talaga ang para sa isa’t isa mismong tadhana na ang tutulong sa atin para magksama”, ang paliwanag ni Clara. “Oh sige maghihintay ako kahit gaano pa iyan katagal”.

……………..

“Guys PE na natin tara na sa MAPEH building”, “hahaha be ready maraming multo na naman dun hahahaha ….”, “oh ano naman?hindi na kayo nasanay”.

 Matatalino ang “all for one”, ngunit tamad, gagawa sila ng paraan para hindi sila magtest sa isang particular na subject, ang dahilan nila ay hindi sila nakapagaral, malakas ang kapit nila kaya naman napagbibigyan  sila ng mga guro.

Makalipas ang maraming araw ganoon pa rin ang ginagawa nila, mayroong tawanan,igawan, kopyahan, kwentuhan, daldalan, dramahan at iyakan. Hanggang ……………….


“Labas na daw po ang lahat ng 4th year may praktis daw po ng graduation”, nalungkot ang lahat dahil ilang araw na lang, magiiba at magkanya kanya na sila ng landas. “Oh, pano ba iyan sulitin na natin ang bawat sandali na magkakasama tayo, farewell na dear classmates, paalam na”, bakas sa kanila ang kalungkutan.



Tan.. tan… tantananan tanan tanan … ..
Graduation na ……
“Farewell to you my friends We'll see each other again Don't cry 'cause it's not the end of everything I may be miles away But here is where my heart will stay With you, my friends with you”.


Iyakan ang lahat, gusto man nila na hindi sila magkahiwalay ngunit imposibleng mangyari iyon.


“Farewell na sa inyong lahat, hinding hindi ko kayo makakalimutan habang buhay kayong nasa puso ko, sana walang kalimutan ah, mahal na mahal ko kayo classmates”. Masakit man sa bawat isa pero tinanggap nila na magkakahiwalay na sila.

 “Paalam na all for one’ … hanggang sa muli …

                                                              ---tapos---

No comments:

Post a Comment